elementary years
eto ang unang post ko ngayong taon na gamit ang wikang tagalog . kung meron mang mali sa tagalog ko, sorry . ang alam ko lang kasi eh ay kalabaw na tagalog ... ung may halong bisaya :p un kase nakasanayan .
ang trend nung 11-13 years ago .
- na iinggit ako kapag nakikita ko ung mga stroller na bag . lalo na ung kulay pink at may print na barbie .
- uso ang lunch box nung elementary pa ako . ung akin kulay pula :) araw-araw, may laman un na biscuit kasi binibilhan kasi ako ni mama ng foodssss <3
- may binebenta noong BUTTERFLY na hairpin/clip . wala ako nun :( kasi .. di ko alam . lol pero gustong-gusto ko talaga un . feel ko ang ganda ganda ng mga babaeng nakasuot ng ganun
- usong-uso noon ung mga "beads" na ilalagay mo sa chord ng id mo . grabe . ang dami ko ng ganun . pati kuya ko at ate ko meron din! haha .. favorite ko ung red, yellow, tsaka blue .. anu un ? Philipine Flag ?
- at wag kalimutan ang FLUBBER ! ung kulay green na slimy na minsan may kasamang mata, dinosaur, etc ? nagsimula un sa palabas ni Robin Williams . akala ko mabubuhay talaga un si flubber na binili ko sa labas ng skul .
- meron pang isa, ung maliliit na makukulay na bilog na bagay ? ung tinatawag nating "kisses" . sabi nila mangaganak daw un kapag ibabalot ng cotton na may alcohol -_- pero hindi talaga nagka anak ung sakin .
- ang uso na medyas noon ay ung matataas na hanggang tuhod . ang sakin eh katamtaman lang . *sigh*
- lapis lang ang pwede gamitin ng mga bubwit galing kinder - grade 3 . kaya naman kinakailangan talaga ang eraser . pero wala akong eraser :( tapos ubos na ang eraser ng lapis ko. kayaaaa .. ginamit ko ang ngipin ko upang lumabas ung eraser ! :)
- mahilig ako sa piko-flag .. pero hindi ko talaga na gets ang mechanics nun.
ai ewan . tinatamad na akong iremenisce ung mga pangyayari dati -_- wala na akong maalala .